-- Advertisements --
Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang mga suspeks sa pamamaril sa Pittsburgh.
Sa nasabing insidente ay patay ang dalawang kabataan at ikinasugat ng iba pa sa East Allegheny city.
Pawang mga 17-anyos na binatilyo ang mga nasawing biktima.
Ayon sa Allegheny County police na aabot sa 200 katao ang dumalo sa party.
Lumabas din sa imbestigasyon ng mga otoridad na mayroong 90 rounds ng iba’t-ibang uri ng baril na ginamit.
Nagpatupad na rin ng modified lockdown ang Pittsburgh Public Schools matapos ang naganap na pamamaril.
Pinagbawalan na rin ang taong nagrenta ng Airbnb o ang lugar kung saan naganap ang pamamaril.