-- Advertisements --
image 430

Plano ng Department of Justice (DOJ) na ilagay sa international lookout bulletin ang mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa susunod na linggo.

Ayon kay Justice Spokesperson Mico Clavano na gumagawa na sila ng konkretong hakbang kaugnay sa lahat ng may kinalaman sa pagpaslang sa Gobernador kabilang na dito ang paglalabas ng international lookout bulletin kung saan pinaguusapan na aniya ang paglalagay sa mga suspek sa blue notice.

Ang Blue Notice sa ilalim ng Interpol ay nagpapahintulot sa mga awtoridad sa Pilipinas na ilagay ang mga suspek sa ilalim ng monitoring at kumalap ng impormasyon sa kanilang kinaroroonan at mga aktibidad ng mga ito kapag babiyahe sa labas ng bansa.

Inihayag din ng DOJ official na ikinokonsidera pa rin si Negros Oriental Rep. Arnie Teves, Jr na isa sa umano’y itinuturong nasa likod ng pagpaslang sa Gobernador.

Sinabi naman ng pambansang pulisya na mayroon pa ring limang suspek at 12 John Does sa naturang kaso.

Sa ngayon hidni pa rin nakakabalik sa bansa si Cong. Teves mula sa kaniyang overseas trip.

Subalit ayon kay Clavano kanilang ginagawa ang lahat ng paraan upang hindi na kailangan pang humantong sa deportation ng mambabatas.

Matatandaan na naghain ng criminal complaints laban kay Teves at anim na oba pang inatesto sa ilang serye ng raids sa properties ng mambabatas kung saan nakumpiska ang ilang mga baril at explosives noong nakalipas na linggo.

Isa sa mga kaso nito ay ibinasura ng DOJ kaugnay sa illegl possession of firearms dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.