-- Advertisements --
DA SOLCOM 3

Nagboluntaryo ang hanay ng Southern Luzon Command (Solcom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para tumulong sa pagsisigurong sapat ang supply ng pagkain sa rehiyon ngayong may krisis dahil sa COVID-19.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Calabarzon regional director Arnel de Mesa, nagpadala ng sulat si SOLCOM commander Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. kay Sec. Dennis Hernandez, na siyang Presidential Adviser for Southern Tagalog para tulungan sila ng iba’t-ibang ahensya sa planong “Economic Enhanced Project.”

Sa ilalim ng proyekto, gagamitin ng SOLCOM ang mga bakanteng lote sa loob ng kanilang kampo para pagtaniman ng gulay at pag-aalaga ng manok.

“With the assistance of the PNP, they will also identify private farm lands within Lucena City and adjacent towns for small and medium enterprises such as native swine, goat, and rabbit raising, and other agricultural programs for less fortunate communities in the area,” ayon sa DA-Region 4A.

Sinimulan na ng Agriculture regional office ang pamimigay ng available resources kasunod ng utos ni Sec. Hernandez.

“This is a great initiative because it will help expand our food production system in the region. We, in the regional office, already begun transforming available and suitable areas in our provincial offices and research stations to vegetable or livestock production sites and we want this practice to be adapted as well by other government offices, schools, and private companies,” ani De Mesa.