-- Advertisements --
Gumamit ng mga militar at ilang libong mga healthcare workers ang China para isailalim sa COVID-19 testing ang nasa 26 milyon residente sa Shanghai.
Ito na ang itinturing na pinakamalaking public health response ng bansa.
Nagpakalat ang People’s Liberation Army (PLA) ng mahigit 2,000 na medical personnel mula sa army, navy at joint logistic support forces sa Shanghai.
Pinadala rin ng mga probinsiya ng Jiangsu, Zhejiang at Beijing ang kanilang mga healthcare workers sa Shanghai para tumulong na rin.
Maagang gumising ang mga residente para sa nucleic acid testing sa kanilang mga kabahayaan.