-- Advertisements --
Plano ng France na tanggalin na ang mga sundalo nitong nakatalaga sa Burkina Faso sa West Africa sa susunod na buwan.
Ayon sa French Ministry of Foreign Affairs, na ang hakbang ay base na rin sa hiling ng gobyerno ng Burkina Faso.
Sa loob aniya ng isang buwan ay sila ay aalis base na rin sa kanilang napagkasunduan.
Mula kasi noong 2018 ay nagkaroon ng kasunduan ang French at Burkina Faso governments na magkaroon ng presensiya ng mga sundalo ng France sa nasabing bansa.
Nakakalat na ang mga sundalo ng France mula pa noong 2013 para labanan ang mga jihadist groups sa Sahel region.
Ito na ang pinakahuling pagtanggal ng mga sundalo sa Sahel region kung saan noong 2022 ay tinanggal na rin nila ang mga sundalo nila sa Mali.