HONG KONG – Pahinga muna ang mga sunalo ng China sa pagbabantay sa mga raliyista sa Hong Kong at sa halip ay naglinis ng mga kalsada.
Ayon sa Hong Kong government, hindi sila nag-request ng assistance sa People’s Liberation Army sa naturang cleanup, bagkus ito anila ay voluntary community activity lamang.
Sa halip na mga baril, bitbit ng mga sundalo ang kanilang mga walis para tulungan ang mga street cleaners sa pag-alis ng mga debris malapit sa Hong Kong Baptist University, kung saan noong nakaraang linggo nagpakawala ng tear gas laban sa mga protesters.
Karamihan sa mga anti-government protesters ay umalis na sa mga unibersidad ng Hong Kong makaraang okupahin ang mga ito sa halos isang linggo.
Magugunita na ang China, na may 10,000 sundalo sa Hong Kong, ay naging bokal sa kanilang posisyon na maaring i-deploy ang kanilang tropa kasunod ng kaliwat-kanang kilos protesta doon, subalit kailangan anila ay i-request ito mismo ng gobyerno ng Hong Kong. (AP)