-- Advertisements --

Iniulat ng China’s Manned Space Engineering Office, na ligtas ang kalagayan ng tatlong (3) Chinese Astronaut sa kanilang Shenzhou-20 mission matapos ma-stranded dahil sa pagkaantala ng kanilang pagbalik sa bansa.

Nabatid na nakatakda sanang bumalik ang grupo noong Nobyembre 5 ngunit naantala umano ito dahil sa posibleng pagtama ng maliit na piraso ng space debris sa kanilang spacecraft.

Bagama’t hindi pa tinayak ang petsa ng kanilang pagbabalik ay patuloy ang mga pagsusuri at drills ng mission team.

Kinilala ang mga Chinese astronaut na-stranded sa space, sina Chen Dong, Chen Zhongrui, at Wang Jie sakay ng Tiangong space station simula pa noong Abril, 2025 at tinatapos ang kanilang anim na buwang rotation sa Earth.

Samantala, matagumpay namang na-dock noong Nobyembre 1 ang Shenzhou-21 mission, na nagdala ng mga daga para sa isang eksperimento.

Mula 2003, patuloy ang ginagawang mission ng China sa space program nito, kasama ang sariling space station kung may ambisyong magpadala ng tao sa buwan pagsapit ng 2030.