Sinimulan ngayong araw ang dagdag presyo sa bawat tangke ng liquefied petroleum gas (LPG).
Ayon kay LPG Marketers’ Association (LPGMA) President Arnel Ty, na ginawa nilang dalawang tranche ang taas presyo na P10 sa kada kilo ng LPG para hindi ito mabigat sa mga mamimili.
Ang unang P5 na dagdag presyo sa kada kilo ng LPG ay simula ngayong Abril 1 kung saan mayroong P55 na dagdag sa kada 11 kg. na regular na household LPG cylinder.
Pagdating naman ng Abril 7 ay magkakaroon ng dagdag na P5 o panibagon P55 sa kada 11 kg. na tangke ng LPG.
Ang nasabing taas presyo na rin ay aprubado aniya ng Department of Energy (DOE) maging ang pag-utay-utay ng sa taas presyo para hindi mabigla ang mga mamimili.
Dagdag pa nito na kumukuha ang Pilipinas ng LPG mula sa South Korea at Japan kung saan mayroong silang mga emergency reserves ng hanggang 250 na araw.
Sa kasalukuyan ay aabot pa sa 40 araw ang stocks ng LPG sa bansa.
















