-- Advertisements --

Pormal na ngang nagtapos ang FIFA World Cup 2022 at matagumpay itong ginanap sa bansang Qatar.

Kaugnay nito, alam nyo ba ang posibleng mangyari sa walong world cup stadium kung saan kamangha-manghang ginanap ang naturang World Cup?

Tinatayang humigit kumulang 170,000 na seating capacity ang kakalasin at nakaplanong ibigay sa mga umuunlad na bansa para makatulong sa pagbuo ng kani kanilang sports infrastructure.

Una sa listahan ang Al Janoub Stadium na matatagpuan sa Al Wakrah na may inspirasyong disenyo hango sa wind-filled sails ng kanilang tradisyonal na dhow boat.

Ito ay may 44,325 seating capacity at nakatakdang bawasan ng 20,000 na upuan at ibibigay sa bilang donasyon sa iba pang sport related projects sa buong mundo.

Ang Lusail Stadium rin na may disenyong interplay ng light at shadow na nagpapakilala sa sikat na fanar lantern ng bansang Qatar ay tatapyasan rin ng mga upuan

Pinakamalaki ito sa lahat ng stadium na may kabuuang seating capacity na 80,000 at ito ay gagawing community hub ng mga paaralan, housing, shops, cafe at health clinic bilang bahagi ng Qatar sustainable development plan.

Sa pagtatapos ng World Cup, ang stadium 974 naman ay tuluyang kakalasin at ang mga materyales na ginamit sa pagbuo nito ay muling gagamitin sa iba pang proyekto.

Hitik naman sa kasaysayan ng Islamic Architecture na may pagka modernong disenyo ang Education City Stadium.

Aabot sa 44, 667 ang seating capacity ng stadium na ito at babawasan ng 20,000 bago i convert para gawing host facility para sa Qatar Foundation Community at iba pang posibleng pag-gamitan.

Samantala, ang Al Bayt Stadium na mayroong 68,895 seating capacity ay babawasan ng 32, 000 seats at nakatakda na gawing tahanan ng Al Khor Sports Club

Hindi naman babawasan ng upuan ang Khalifa International Stadium dahil ito ay naghost na ng maraming hindi makakalimutang laban at events at ito ay magiging home stadium na lamang ng pambansang kupunan ng Qatar.

Mananatili pa rin sa 45,857 ang seating capacity nito.

Nakatakda ring bawasan ng 20,000 seating capacity ang Ahmad Bin Ali Stadium na mayroong kabuuang 45,032 na upuan habang ang Al Thumama Stadium ay may 44,400 seats at babawasan ito ng 20,000 seating capacity.