Patuloy ang pagbuhos ng tribute mula sa international singer at Hollywood actors sa namayapang legendary singer na si Tina Turner.
Sa kani-kanilang mga social media account ay nagpost ang mga ito ng mga masasayang karanasan noong nakasama nila ang singer.
Tinawag ni Rolling Stones singer Mick Jagger bilang matalik at talentadong singer ang namayapang 83-anyos na singer.
Tinawag naman nina Mariah Carey at Oprah Winfrey na “survivor” dahil nalampasan niya ang ilang taon na pang-aabuso ng asawa.
Habang pinuri naman ni dating US President Barack Obama ang singer dahil sa kakaibang talento nito.
Nagulat naman ang singer na si Diana Ross ng mabalitaan ang pagpanaw ng kaibigan.
Ipinost naman ni Canadian singer Bryan Adams ang larawan nila ni Turner noong nagkasama ang ito sa isang concert.
Bukod sa mga celebrities ay idinaan naman ng mga fans ng singer ang kanilang pakikiramay sa pamamagitan ng pagpost nila sa kanilang mga social media.