-- Advertisements --

Pahihintulutan na ng Philippine National Police ang mga sibilyan na mag may-ari ng kanilang sariling semi-automatic rifles.

Ito ay matapos na magsagawa ng ilang minor amendments ang kapulisan sa implementing rules and regulations ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ayon PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, sa ngayon ay maaari nang lisensyahan ang mga private citizen na nagmamay-ari ng rifle partikular na M14 rifle pababa na pawang mga nasa ilalim ng semi-automatic classification na mga baril.

Una nang bumuo ang PNP ng isang technical working group para sa pag-amyenda sa ilang probisyong implementing rules and regulations ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa ngayon ay nasa UP Law Center na ang naturang amendment para sa kaukulang publication at inaasahan namang magiging epektibo 15 araw pagkatapos ng publication.