-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Magagamit na rin bilang quarters ng COVID-19 frontliners sa Albay ang mga seminaryo.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Bishop Joel Baylon ng Archdiocese of Legzapi, na nagpadala na sila ng sulat sa tanggapan ni Gov. Al Francis Bichara para sa nasabing inisyatibo.

Bubuksan daw ng simbahan ang mga seminaryo para maging pansamantalang tirahan ng healthcare workers.

Ang desisyon na ito ng mga pari ay bunsod umano ng lumutang na mga ulat tungkol sa naranasang diskriminasyon ng medical frontliners tuwing umuuwi sila ng bahay o boarding house.

Sa ngayon nakahanda na raw ang nasabing mga pasilidad at hinihintay na lang ang desisyon ng provincial government.