-- Advertisements --
image 329
VACC Pres. Boy Evangelista

Makukulong ng habambuhay ang mga pumatay kay Venson evangelista, anak ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) president Arsenio “Boy” Evangelista.

Inilabas ang desisyon ni Quezon City Regional Trial Court Branch 215 Judge Rafael Hipolito, matapos ang masusing paglilitis at ilang apela sa loob ng halos 12 taon.

Reclusion perpetua ang ibinabang desisyon ng korte dahil malinaw umano ang mga ebidensyang nagtuturo sa partisipasyon sa kaso na nangyari noong 2011.

Ang orihinal na kasong pagdukot at pagpatay ay unang isinampa laban kina Roger at Raymond Dominguez, Joel Jacinto, Jayson Miranda at Ronaldo Talban.

Pero sinasabing namatay si Raymond Dominguez habang nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) dahil sa COVID-19, habang si Jacinto naman ay dahil sa atake sa puso.