-- Advertisements --

Kasalukuyang nakararanas ngayon nang pagkawala ng suplay ng tubig ang mga residente sa Malabon.
Nag-abiso ang Malabon local government sa kanilang mga residente sa ipatutupad na water interruption ng Maynilad.
Ito ay bunsod ng water quality issue sa Ipo Dam.
Ang interruption ay nagsimula mula alas-8 ng umaga at tatagal ito hanggang alas- ng gabi ngayong araw, Setyembre 26.
Kabilang sa mga apektadong lugar sa water interruption ang ilang bahagi ng mga Barangay sa Concepion, Dampalit, Ibaba, Maysilo Panghulo, Potrero, San Agustin, Santulan at Tañong.
Pagtitiyak naman ng lokal na pamahalaan na magde-deploy ang Maynilad ng mobile water tankers sa mga apektadong barangay para makapagbigay ng maiinom na tubig sa mga residente.