-- Advertisements --

Naranasan ng mga residente sa dalawang bayan sa Iloilo ang pag-ulan ng ice o hailstones.

Ito ay ang Barangay Sariri, Badiangan at ang Palanguia, Pototan.

Kanya-kanyang kuwento ang mga residente sa kakaibang karanasan kagaya na lamang sa Sariri Badiangan kung saan halos kalahating oras ang pag-ulan ng ice.

Karamihan sa mga residente ay tuwang-tuwa at lumabas pa upang kumpirmahin kung hail stones ang tila bumabato sa bubong ng bahay.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo kay Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Dr. Jerry Bionat, sinabi nitong dalawang bagay lamang ang maaring dahilan ng pag-ulan ng yelo o hail stones:
una ay kung may buhawi, at pangalawa ay kung mababa ang formation ng mga ulap.