-- Advertisements --
Pinag-iingat ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MRIIS) ang mga residente sa Northern Luzon dahil posible na makaranas muli sila ng pagbaha.
Ito’y matapos ianunsyo ng NIA-MRIIS na magpapakawala ng tubig ang Magat Dam na aabot sa 800 cubic meters per second (cms).
Batay sa inilabas nitong abiso, binuksan ng two meters ang Gate 4 ng Magat Dam at kasalukuyang naglalabas ng tubig na aabot naman ng 393 cms.
Dakong alas-8:00 kaninang umaga nang buksan sa isang metro ang Gate 3 at nagpapakawala ng tubig na aabot sa 179 cms.
Ibig sabihin lamang nito ay nagpapakawala ng 786 cms ng tubig ang Magat Dam.
Binalaan na ang mga residente ng upper, middle at lower Cagayan na posibleng bumaha dahil dito.