-- Advertisements --
Umkayat pa sa mahigit 147,000 residente ang apektado na ng tumagas na langis sa may Oriental Mindoro kung saan libu-libong mga mangingisda din ang naapektuhan ang kanilang kabuhayan.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 196 ang injured, 13,658 ang apektadong mangingisda at magsasaka, 117,067 naman ang apektadong residente sa MIMAROPA at nasa 30,226 residente ang apektado sa Western Visayas.
Nakapagtala ng aabot sa P3.85 million ang halaga ng production losses o pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa oil spill.
Habang nasa kabuuang 10 siyudad at batyan ang nag-deklara na ng state of calamity.
Nakapamahagi na rin ng P47.69 million halaga ng tulong sa mga naapektuhang komunidad sa MIMAROPA at Region 6.