-- Advertisements --
Isang ordinansa sa lungsod ng Maynila ang nilagdaan ni Manila Mayor Isko Moreno na nagpapataw ng parusa sa mga punenarya na tatanggi sa bangkay ng isang namatay dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ilalim ng ordinansa, ang mga funeral homes or funeral service facilities sa Maynila ay may mandato na magbigay ng sasakyan para sa namatay na covid patient, positibo man o probable pa lamang.
Kung hindi susunod ang mga ito, sususpindihin ang kanilang business permit.
May multa naman para sa mga punenarya na mag-o-overprice ng presyo ng kabaong at maniningil ng sobra sa cremation at burial services.
Para naman sa mga lalabag sa ordinansa sa ikalawang pagkakataon, kakanselahin na ang business permit ng mga ito.