-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpositibo sa COVID-19 ang 16 na mga pulis na nakatalaga sa mga vaccination sites sa Jaro, Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Eduardo Siacon Jr., hepe ng Jaro Police Station, sinabi nito na nakaramdam ng flu like symptoms ang 20 augmented na pulis.
Nang isinailalim ang mga ito sa swab test, lumabas na positibo sa COVID-19 ang 16 sa mga ito.
Sa ngayon, naka-isolate na ang mga COVID-19 positive na mga pulis at nagpapatuloy naman ang contact tracing sa nakaclose contact ng mga ito.