Umaabot na sa 981 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) Health Service, 39 ang mga bagong kasong nadagdag ngayong linggo.

Ang 35 sa mga ito ay naka-assign sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Habang dalawa naman ang nagmula sa Police Regional Office 4-A, at tig-isa sa Central Visayas at Cordillera region.

Nananatili namang siyam ang nasawing tauhan ng PNP dahil sa deadly virus.

Samantalang 429 naman ang gumaling, matapos ang gamutan at quarantine procedure.