-- Advertisements --

Pinuri at kinilala ng Department of Foreign Affairs ang naging ambag ng ilang miyembro ng kapulisan na naging bahagi ng peacekeeping force ng United Nations sa South Sudan.

Ito ay matapos na gawaran ng parangal ang naturang mga pulis sa ginanap na lingguhang flag raising ceremony ngayong araw sa Kampo Crame kung saan naging sa panauhin pandangal si DFA Secretary Enrique Manalo.

Dito ay sinabi ng kalihim bilang kinatawan ng founding member ng United Nations, masigasig na nakikiisa ang Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mga bandsang nakararanas ng matinding sigalot.

Samantala, sa ngayon ay pumalo na sa 14,000 na mga pulis ang naipadala ng Pilipinas sa UN Peacekeeping force sa 21 bansa.

Kabilang na sa mga ito ay ang UN Peacekeeping missions sa Africa, sa Gitnang Silangan gayundin sa Asya Pasipiko.

Samantala, kabilang sa mga binigyang parangal ang 20 miyembro ng PNP UN Peacekeeping delegation na ginawaran naman ng Medalya ng Kasanayan ngayong raraw matapos ang kanilang tour of duty sa Juba, South Suidan.