-- Advertisements --
image 229

Nilinaw ng pamunuan ng PNP na hindi muna tatanggap ng midyear bunos ang mga pulis sa bansa na may kinakaharap na kaso.

Ayon kay PNP-PIO Chief BGen Redrico Maranan, ito ay upang magsilbing parusa at bilang bahagi ng disciplinary action ng PNP.

Matatandaang nasa P7.54Billon ang inilaan ng PNP para sa mid-year bonus ng 227,832 na active duty na mga PNP personnel, katumbas ng kanilang isang buwan na sahod.

Kahapon ng opisyal na ring inilabas ang nasabing pondo, papasok sa mga Landbank payroll account ng mga pulis.