Sasampahan ng kaso ang mga pulis na mahuhuling magpapaputok ng kanilang baril sa pasko at bagong taon.

Ayon kay PNP Deputy for Operations chief Lt Gen. Camilo Pancratius Cascolan striktong ipapatupad ng PNP ang one strike policy lalo na sa mga police commanders at chief of police.

Sinabi ni Cascolan mahigpit ang direktiba ni PNP OIC Lt Gen. Archie Gamboa na walang pulis na magpapaputok ng kanilang armas.

Kasong kriminal at administratibo kahaharapin ng mga mahuhuli at mapatunayang pulis na nag indiscriminate firing.

Ipapatupad din ng PNP ang one strike policy sa mga Police commanders na hindi umaksyon sa loob ng 24 oras sa mga isidenteng ganito na kinasasangkutan ng kanilang mga tauhan.

Dagdag ni Cascolan, ang mga commanders na hindi umaksyon ay kakasuhan ng Command responsibility kung may mga tauhan silang mapatunayang illegal na nagpaputok ng baril.