-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tinitiyak ng Police Regional Office o PRO-13 na mananagot sa batas ang kahit sinong indibidwal na mapapatunayang nagproteka sa pagtatago ni Kabus Padatoon o KAPA Community Ministry International Inc., founder Joel Apolinario.

Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni P/Maj. Renel Serrano, saklaw din ng magiging kaso ang pag-usisa sa mga nasa likod ng mga wanted sa batas lalo na sa kaso ni Apolinario.

Si Serrano ang Public Information Officer ng PRO-13 sa binuong Special Task Force group na mag-iimbestiga sa mga board of director ng KAPA at mag-aasikaso sa mga reklamong ihahain sa mga nabikitmang ng nasabing investment scam.

Ayon kay Serrano, posibleng managot din ang may-ari o nagbenta ng lupa sa kinatatayuang mansyon ni Apolinario sa Sitio Dahican, Barangay Salvacion sa bayan ng Lingig, Surigao del Sur.

Titingnan din ang elemento ng krimen sa mga indibidwal na sangkot o tumulong para makapagpatayo ng kampo si Apolinario at sakaling mapatunayan o mo-qualify ang mga ito, ang PNP (Philippine National Police) na mismo ang magiging dominal complainant.