Hanggang sa ngayon ay hindi pa raw apektado ang Private Hospital Association of the Philippines (PHAPI) sa estado ng kani-kanilang mga miyembrong pagamutan sa harap ng nakikitang pagtaas sa positivity rate ng COVID-19.
Sinabi sa Private Hospital Association of the Philippines President Dr. Jose Rene De Grano na wala namang nararamdamang pagtaas ng mga naa-admit sa hanay ng mga pribadong ospital.
Bagamat naririyan pa aniya kasi ang mga sub-variants ay hindi naman gayung katindi ang epekto ng mga ito sa mga kinakapitan ng virus at nasa mild to moderate lamang ang tama ng mga ito.
Dagdag ni De Grano na karamihan nga sa mga nagpa-positive, nai-record man o hindi, ay hindi na nagpapa- admit maliban na lamang sa mga may comorbidities.
Batay sa mga una nang lumabas na ulat, tumaas sa 9.7 percent ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa.