-- Advertisements --

May mga power companies na ang nakausap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na interesado na magtayo ng modular nuclear power plants sa bansa.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa Philippine Economic Briefing sa New York na mayroong tatlong kumpanya ang nakausap na ng pangulo.

Isa na dito aniya ang US-based na NUscale Power na siyang may kakayahan ng pag-operate ng modular reactors.

Hindi naman na binanggit pa ng kalihim ang dalawang iba pa dahil sa wala pang mga formal commitment ito sa bansa.

Umaasa rin ang kalihim na may ilang mga investment ang makuha ni Pangulong Marcos sa ginawang pagdalo nito sa United Nation General Assembly sa New York.