Noong nakaraang buwan pa umano nasabihan ng Lebanese security officials sina President Michel Aoun at Prime Minister Hassan Diab sa posibleng dulot ng mga nakatambak na ammonium nitrate sa pantalan ng Beirut.
Lumabas ang nasabing impormasyon matapos ang kagimbal-gimbal na pagsabog sa Beirut na nag-iwan ng mahigit 160 patay at 6,000 sugatan.
Batay sa inilabas na report ng General Directorate of State Security tungkol sa trahedya, mayroon daw natanggap na sulat sina Aoun at Diab noong Hulyo 20.
Isiniwalat naman ng isang senior officals ang findings ng judicial investigation na inilunsad noong Enero kung saan makikita na inutusan ang Lebanese government na siguraduhin ang seguridad ng mga nasabing kemikal.
Maaari raw kasing nakawin ang mga materyales na ito at gamitin ng mga terorista upang atakihin ang kanilang bansa.