-- Advertisements --

Nagkaloob ng psychological support ang Embahada ng Pilipinas na nakabase sa Israel sa mga Pinoy workers doon na apektado ng nagpapatuloy na kaguluhan.

Una rito ay sumulat si Ambassador Pedro Laylo sa Philippine Red Cross upang matulungan silang makapagsagawa ng psychological support.

Kaagad namang tumugon ang PRC Welfare Services at isinagawa ang counselling at briefing sa mga mangagawang Pinoy na patuloy na naaapektuhan sa naturang bansa.

Kabilang sa mga tinalakay ng Philippine team para sa mga OFWs ay ang pyschological first aid, kalusugang pangkaisipan, at iba pang kaugnay na usapin.

Tumulong din ang grupo na makontak ang pamilya ng mga OFWs at makausap sila sa pamamagitan ng online platform.

Mula nang sinimulan ng pamahalaan ang pagpapalikas sa mga OFWs, umabot na sa walong batch ng mga Pinoy ang napauwi dito sa bansa, at nabigyan ng kaukulang tulong.

Pinakahuli ang mga OFWs na lumapag kaninang alas-3 ng hapon sa NIA.