Mahigpit ngayong binabantayan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga turistang bibiyahe sa Jeju Island, South Korea dahil pa rin sa novel coronavirus outbreak.
Sinabi ni BI port operations division chief Grifton Medina na nag-ugat ang bagong travel ban policy matapos kumpirmahin ng Korean embassy sa Manila pansamantala nilang sususpendehin ang visa-free entry ng mga Filipino tourists sa Jeju.
Inanunisyo raw ito ng embassy dahil sa kauna-unahang reported death sa labas ng China o ang Ncov patient na namatay sa San Lazaro Hospital sa Manila.
Pero lumalabas na hindi lamang ang mga Pinoy ang pinagbawalang pumasok sa naturang rehiyon dahil kasali rin umano dito ang iba pang foreign travellers.
Samantala, matapos makabalik na sa China ang 300 Chinese nationals na dumating dito sa bansa dahil sa bagong travel ban ay tuloy-tuloy daw ang pagharang ng BI sa mga pasaherong nanggaling sa China, Macau at Hong Kong sa loob ng 14 days.