-- Advertisements --
image 242

Inabisuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Hanoi ang mga Pilipinong kasalukuyang nakabase sa Vietnam.

Pinapayuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Hanoi lahat ng Pilipino na nakatira sa Vietnam, lalo na ang mga naninirahan sa gitnang bahagi ng bansa, na maging mapagmatiyag at alerto tungkol sa mga kautusan ng pambansa at mga lokal na awtoridad kaugnay sa bagyong Noru.

Ang bagyong Noru ay tinatayang isa sa pinakamalakas na bagyo na tatama sa Vietnam sa nakalipas na 20 taon.

Tinutumbok nito ang probinsya ng Da Nang at mga karatig na probinsya.

Napaulat na rin na ang mga awtoridad sa mga probinsya ng Quang Binh at Binh Thuan ay may planong ilikas ang mahigit 860,000 residente na direktang maapektuhan ng bagyo.

Mahigpit na hinihikayat ang mga Pilipinong naninirahan sa mga lugar na nabanggit na kaagad na sundin ang mga kautusan ng paglikas na ipapatupad ng mga lokal na awtoridad.

Ang bagyong Noru ay ang Super Typhoon Karding na humambalos sa Luzon at nag-iwan ng mga nasawing indibidwal at maraming pinsala.