-- Advertisements --

Mga Pinoy sa Sri Lanka, unti-unting nabuhayan ng pag-asa dahil sa muling pagbukas ng paaralan at mga negosyo

Unti-unti nang nabubuhayan ng paag-asa ang mga Pinoy sa Sri Lanka matapos nagbukas nang muli ang mga paaralan at mga negosyo sa gitna ng krisis.

Matandaan na noong Hunyo nang pinasara ang mga paaralan dahil sa kakulangan sa suplay sa petrolyo.

Binuksan ito dahil sa improvement sa fuel stocks.

Ayon kay Bombo International Correspondent Priscilla Rollo- Wijesooriya direkta sa Kandy, Sri Lanka, inutos ni President Ranil Wickremesinghe sa state-run Sri Lanka Transport Board depots na magsuplay ng langis sa vans at buses na ginagamit para sa school services.

Sa ngayon , nag-resume naman ang Sri Lanka sa technical discussions sa International Monetary Fund para sa potential bailout.

Matandaan na na noong Abril nang sinimulan ng gobyerno ang pakikipag-usap sa multilateral lender.

Plano ng Sri Lanka na maka-secure ng Extended Fund Facility (EFF) upang makatulong na makabangon ang bansa mula sa pinakamalalang economic crisis sa kanilang kasaysayan.