-- Advertisements --

Sinisikap na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mapauwi ang mga Pinoy na nasa Myanmar, bunsod ng panibagong surge o pagsirit ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa naturang bansa.

Nabatid na mayroon nang 234,710 cases doon at 5,281 naman ang naitalang nasawi.

Sa nakalipas lamang na isang araw, mahigit 5,000 ang mga bagong kasong nadagdag sa kanila at halos 300 naman ang panibagong binawian ng buhay.

Sa database ng DFA, mayroong 1,273 registered Filipinos sa Myanmar, alinsunod sa June 2020 record.

Payo ng mga opisyal, patuloy na makipag-ugnayan sa embahadang nakabase sa Yanggon, para sa pagproseso ng dokumento upang makauwi sa ating bansa.