-- Advertisements --

Target ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ma-repatriate pabalik sa bansa ang mga Pilipino sa Macau sa gitna na rin ng pangamba dahil sa banta ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang event ng Commission on Elections (Comelec) sa Maynila, sinabi ni DFA Usec. Brigido Dulay, ang mga ililikas lang nila pabalik sa bansa ay mga oversease Filipinos lamang gaya ng mga turista at mga Pinoy na may problema roon.

Una ng sinabi ng DoH na ang 148 na Pinoy mula sa Macau ay iuuwi sa tulong ng DFA.

Ayon kay Dulay ang mga OFW naman na mula sa Macau ay ang OWWA na ang mag aasikaso.

Tiniyak naman ni Dulay na sasagutin ng gobyerno ang gastos sa mga uuwing Pinoy mula sa Macau.

Titiyakin din daw nila na masusuring mabuti ang mga uuwing pinoy para masiguro na wala silang sintomas ng COVID-19.

Pagdating nila sa bansa, hindi na sila isasailalim sa quarantine dahil hindi naman daw kasi hot zone ng COVID-19 ang Macau.

Matatandaang partial travel ban lang ang umiiral sa Macau at nakasama sila sa ban dahil bahagi ito ng Special Administrative Region ng China na pinagmulan ng virus.