-- Advertisements --

Nasa 120 na mga overseas Filipinos ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), 80 rito ay mula sa Diamond Princess cruise ship.

Sa nasabing bilang na nasa Japan, 77 dito ay gumaling na mula sa pagkaka-ospital.

Labing-siyam naman na Filipinos ang nadapuan ng COVID-19 sa Grand Princess cruise ship na pinigil sa California kung saan wala sa kanila ang gumaling.

Sa Singapore naman ay mayroong siyam ang nadapuan ng virus kabilang na rito ang bumiyahe sa Pilipinas at dalawa dito na ang gumaling.

Mayroon namang lima ang kaso ang naitala sa Hong Kong kung saan tatlo rito ang nakalabas na sa pagamutan habang dalawa ang nananatiling naka-confine.

Apat na Filipino mula sa United Arab Emirates ang nagpositibo sa COVID-19 at lahat sila ay naka-isolate.

Sa France naman ay dalawang Filipino ang nadapuan din ng virus at isa naman ang naitala sa Switzerland.