-- Advertisements --
CALIFORNIA, USA – Nagpapamalas umano ng bayanihan ang mga Filipino sa mga lugar na apektado ng wildfire sa California.
Ayon kay Bombo international correspondent Jun Villanueva, mismong ang mga Pinoy na rin ang kumukupkop sa mga kapwa Filipinong nadamay sa malaking sunog.
Sa kabila nito, sinisikap pa rin nilang makasunod sa minimum health protocols.
Double purpose na rin umano ang paggamit ng facemask ngayon dahil maliban sa proteksyon ito laban sa COVID, panangga na rin iyon sa usok na galing sa wildfire.
Sa kasalukuyan, 1.2 million hectares na ang nadamay sa pagkalat ng apoy.
Habang P40 billion na ang tinatayang danyos na nalikha ng sunog.