-- Advertisements --

Dumami pa ang mga Filipino na nagsimulang mag-invest ng kanilang retirement fund sa pamamagitan ng Personal Equity and Retirement Account (PERA).

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa loob lamang ng dalawang taon ay nag-triple ang bilang ng mga kontribusyon.

Noong Setyembre 8, 2022 ay mayroong 4,892 ang PERA contribution kumpara sa 1,684 ng ilunsad ito 2 taon na ang nakakalipas.

Pawang mga manggagawang Filipino ang bumuo ng 67.43 percent nito habang ang natitira ay mula sa mga oversease Filipino worers (OFW) at mga self-employed.

Sa pamamagitan kasi ng digital PERA ay ang mga contributors ay maaaring mag-invest, magbukas ng account, monitor at isettle ang kanilang mga account.