Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pauwi na ng bansa ang karamihan sa mga Pilipinong nadamay sa aksidente ng bus sa Mt. Sinai, Egypt.

Ayon kay DFA Asec. Eduardo Meñez isang American national ang namatay habang 13 ang nagtamo ng injury.

Nakalabas na raw ng pagamutan ang mga nagka-pasa at bali sa buto, kabilang na si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) secretary general Fr. Marvin Mejia.

Una ng nagpaabot ng tulong ang Philippine Embassy at Pinoy community sa Egypt sa mga naaksidenteng kababayan.