Ang mga Pilipino ang may pinakamababang oras na natutulog, kumpara sa iba pang mga lahi sa buong Southeast Asia.
Ito ang lumabas na resulta ng isang pag-aaral na isinagawa ng research firm na Millieu Insight’s.
Lumalabas din na tatlo mula sa apat na Southeast Asian ay nakakaranas ng sleep problem.
Batay pa sa resulta ng nasabing pag-aaral, 46% ng mga Southeast Asian ay nakakaranas ng sleep problem ilang beses sa isang linggo. Sa mga nagsabi nito, 56% sa kanila ay mga Pilipino.
59% sa mga respondents ang nagsabing nakakatulog lamang sila ng hanggang pitong oras sa isang araw.
Isinagawa ang nasabing pag-aaral noong Abril, 2023 mula sa anim na bansa na kinabibilangan ng Singapore, Malaysia, Vietnam, Indonesia, Thailand, at Pilipinas.
Kabilang sa mga pangunahing sleep problems na lumalabas sa nasabing pag-aaral ay ang mga sumusunod: nahihirapang makatulog, madalas magising sa kalagitnaan ng gabi, at irregular sleep and wake cycle.
Nasa 3,000 katao ang naging respondents sa nasabing pag-aaral.