Hinikayat ngayon ng ilang mga eksperto ang mga kababayan lalo na ang wala pang booster shots na magpaturok na kasunod na rin ng kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) na nakapag-detect sila ng unang mga kaso ng Omicron XBB subvariant at XBC variant.
Kabilang sa nanawagan ay ang Philippine Vaccine Expert Panel head Dr. Nina Gloriani na nagsabing sa halip na mag-antay pa sa “bivalent” jabs na target ang original strain at omicron subvariants na virus na sugpuin unahin na muna magpa-booster shots.
Ayon kay Dr. Gloriana ang mahalaga umano ngayon ay makapag-booster ang marami para mapataas pa ang proteksiyon.
Ipinaalala pa nito na ang mga vaccines ngayon ay epektibo pa rin laban sa mas severe na kaso ng COVID-19.
Sinasabing batay sa mga datos, nakakatulong ang mga vaccines hindi lang sa pagtaas ng mga antibodies ng tao kundi ang tinatawag na T-cells na siyang mas effective laban sa severe form COVID.
Una nang napaulat na ang Omicron XBB subvariant ang siyang nasa likod ng pagtaas ng kaso sa bansang Singapore.
Gayunman hindi naman ito nagdulot ng maramihang isinugod sa mga ospital.