-- Advertisements --

Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Enero ng kaksalukuyang taon base sa panibagong datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Naitala sa 4.5% ang unemployment rate noong nakalipas na buwan, mas mataas ito kumpara sa 3.1% noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Katumbas ito ng 2.15 million Pilipino na walang trabaho noong Enero, tumaas ito mula sa 1.6 million Pilipino na walang trabaho noong Disyembre.

Subalit ayon kay National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, bumuti ang employment situation sa ating bansa sa year-on-year basis.

Kung saan nasa 95.5% o katumbas ng 45.9 million Pilipinong may trabaho noong Enero 2024, mas mataas kumpara sa 95.2% o 47.35 million Pilipinong employed noong Enero 2023.

AV National Statistician Undersecretary Dennis Mapa

Samantala, ang underemployment rate naman sa bansa noong nakalipas na buwan ay tumaas sa 13.9% mula sa 11.9% noong December 2023.

Katumbas ito ng 6.39 million Pilipino mula sa 45.94 million na mayroong trabaho ang naghahanap pa ng karagdagang mapapasukan o extra jobs.

Ang service sector ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng trabaho o katumbas ito ng 60.2% ng kabuuang employment rate.

Sinundan ito ng sektor ng agrikultura na nasa 21.4% at industry na nasa 18.4%.

Habang nakapagtala naman ng pinakamataas na bilang ng nawalang trabaho ay sa wholesale at retail trade, repair ng motor vehicles at motorcycles na nasa 1.51 million, sinundan ito ng agriculture at forestry na ansa 854,000 at public adminsitration and defense at compulsary social security na nasa 226,000.