Lumahok ang mga Pilipino sa ”No Kings” protest bilang pagtutol sa mga polisiya ng admistrasyon ni U.S. President Donald Trump kung saan isinagawa sa 50 states.
Ang mga protesta, na pinangunahan ng 50501 Movement, ay naglayong ipahayag ang pagtutol sa authoritarian policies ni Trump, na nagpapakita umano ng pang-aabuso sa kapangyarihan hinggil sa mga patakaran laban sa mga immigrants.
Tampok ang mga Pilipinong aktibista at miyembro ng Filipino-American community ang nagbigay ng kanilang pagsuporta sa mga American immigrants na nakakulong sa mga ICE detention centers.
Marami sa mga lumahok ay mga kamag-anak ng mga Pilipinong inaaresto at ikinulong sa ilalim ng mga polisiya ng administrasyong Trump.
Sa New York City, kinalampag ng mga demonstrator ang pamahaan kung saan tinatayang umabot sa 50,000 katao ang lumahok, kabilang ang mga Pilipino na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya laban sa administrasyon. Ayon sa New York Police Department (NYPD), naging mapayapa naman ang naging protesta at walang naitalang insidente ng karahasan.
Samantala, sa Los Angeles, nagkaroon naman ng tensyon sa mga rayelista nang gumamit ng tear gas ang mga pulis matapos ang mga ulat ng paghagis ng mga bato at paputok sa mga awtoridad.
Gayunpaman, ipinaliwanag ng mga organizer na ang “No Kings” protests sa kabuuan ay mapayapa at layunin nitong magsulong ng reporma at protektahan ang mga karapatang pantao ng mga Amerikano.