-- Advertisements --
Maaari ng humingi ang mga Pilipino ng legal na payo online sa pamamagitan ng eGovPH ng pamahalaan.
Ipinaliwanag ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta na kapareho ito ng 24 oras na hotline ng PAO kung saan may mga abogadong nakatalaga para sumagot sa mga tawag o hihingi ng legal assistance.
Aniya, nasa dalawang abogado at dalawang staff ng PAO ang kanilang itatalaga sa application ng gobyerno.
Ipinunto ng PAO Chief na hindi magkakaroon ng serbisyo kung walang naka-duty na abogado.
Paliwanag pa ni Acosta na napakahalaga kapag nasasagot agad ang mga katanungan kaugnay sa batas dahil hindi lahat aniya ng mga Pilipino ay nag-aral ng batas at kailangan din aniyang ipaalam sa ating mga kababayan ang dati na at bagong mga batas.