-- Advertisements --

Sinimulan na ng Uruguay ang paglilikas sa 112 Australian at New Zealand citizend na sakay ng Greg Mortimer cruise ship sa Montevideo, Uruguay.

Ito’y matapos magpositibo sa coronavirus ang halos 60% sakay ng naturang cruise ship. Ang mga pasahero na may sakit ay isinakay sa bus papuntang airport terminal.

Nakatakda silang isakay sa Melbourne-bound charter flight bukas ng umaga.

Ayon kay Uruguay Foreign Minister Ernesto Talvi, dalawang Australian nationals naman ang hindi papayagang sumama sa flight dahil kinakailangan pa nilang manatili sa intensive care unit sanhi ng lumalalang kondisyon.

Hahayaan ng tinaguriang “humanitarioan corridor: ang nasa 96 Australians at 16 New Zealanders na makauwi sa kanilang bansa. Ang ibang pasahero naman tulad ng Amerikano, Briton, Jamaicans ay kinakailangang manatili sa barko habang nakikipag-ugnayan pa ang Uruguay sa kani-kanilang mga bansa.