-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot sa 15 barangay na halos mga sakahan ang apektado ng pananalasa ng malakas na hangin at pag-ulan sa ilang bayan sa North Cotabato.

Ayon kay Mercy Forunda, Provincial Disaster Risk Reduction and Management officer ng North Cotabato, malaking pinsala at problema ito sa mga magsasaka dahil bukod sa nasira na ang pananim ay napakamura pa ang presyo ng palay.

Ito ay dahil karamihan sa mga apektadong barangay ay “rice granary.”

Lubhang naapektuhan ng kalamidad ay ang bayan ng M’lang sa nasabing lalawigan.

Pahayag naman ng ilang magsasaka sa lugar, ito sa ngayon ang pinakamalalang pinsala na kanilang naranasan dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang damage assesment sa kabuuang pinsala matapos ang kalamidad.