-- Advertisements --

Umaabot na sa 97.5% ang mga pampublikong paaralan sa buong bansa ang nagbalik na sa full face to face classes.

Ayon kay Department of Education (DepEd) spokesperson Atty. Michael Poa, naobserbahan na naging maayos ang pagbabalik ng in-person classes sa mga paaralan at walang major incidents bagamat may mga eskwelahan pa rin na apektado sa pananalasa ng nagdaang bagyong Paeng.

Kung saan base sa huling ulat ng ahensiya nasa 324 paaralan ang nakapagtala ng pinsala habang nasa 435 eskwelahan ang kasalukuyan pa ring ginagamit bilang evacuation centers.

Nasa 2.36% ng public schools naman ang pinayagang magsagawa ng blended learning kung saan ilan dito ay apektado din ng nagdaang bagyo.

Nakapag-download na rin ang ahensiya ng pondo para sa kakailangan sa paglilinis at pansamantalang learning spaces sa mga paaralan na sinalanta ng bagyo.