-- Advertisements --

Nababahala si Senador Sherwin Gatchalian sa kinalabasan ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito’y matapos mapagdesisyunan ng mayorya ng mga senator-judges na ibalik sa Kamara ang impeachment complaint. 

Giit ng senador, sinusundan niya ang mga naunang pamantayan sa impeachment dahil malinaw aniya ang mga hakbang ngunit nagbago ang takbo ng sitwasyon. 

Dahil nag-issue na rin ang impeachment court ng writ of summons, umaasa ang senador na walang maging delay dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin malinaw ang magiging susunod na hakbang. 

Para naman kay Senator-judge Ronald “Bato” dela Rosa, maituturing na rin na tantamount to dismissal ang pag-remand o pagbalik sa Kamara ng impeachment complaints. 

Una rito, matapos ang mahabang deliberasyon sa impeachment court kagabi, nagdesisyon na ang mga senator-judges na i-remand o ibalik sa House of Representatives ang impeachment complaint laban kay Duterte.

Si Senator-judge Alan Peter Cayetano ang nagmosyon kung saan 18 senator judges ang pumabor, 5 ang tumutol, at walang nag-abstain upang ipabalik ang impeachment case laban sa bise presidente.