Nakiisa na rin ang grupo ng ilang mga negosyante sa bansa na nananawagan sa Senado na ituloy na ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Isa na dito ang Makati Business Club na humihikayat sa Senado na gampanan ang kanilang mandato salig sa konstitusyon para mag-convene bilang impeachment court at mag-proceed sa impeachment trial ng Bise Presidente.
Saad din ng grupo na ang impeachment case ni VP Sara ay isang “test of public accountability at rule of law” at dapat na wala aniyang paga-alinlangan kung itutuloy ang paglilitis.
Tanong ng grupo, kung hindi susundin ang rule of law, paano umano makakaengganyo ng mga dayuhan at maging ng mga lokal na mamumuhunan para sa pangmatagalang investments na maaaring magresulta sa paglikha ng mga trabaho sa bansa?
Nagbabala din ang Makati Business Club na kung sakaling hindi ituloy ng Senado ang paglilitis sa impeachment case ni VP Sara, maaari itong magresulta sa betrayal of public trust.
Sa kabila nito, iginiit din ng samahan na ng impeachment trial ay isang kinakailangang due process para mailabas ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpresenta ng mga ebidensiya para matukoy kung may basehan o wala ang mga kasong ibinabato laban sa Bise Presidente.