-- Advertisements --
Bibigyan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng identification card ang mga pamilya na naninirahan sa gilid ng mga kalsada.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian na sa ganitong paraan ay para madali umano ang mga ito na mamonitor.
Dagdag pa nito na kapag bumalik ang mga ito sa lansangan ay nangangahulugan na nagkaroon ng problema sa intervention ng kanilang opisina.
Ang nasabing inisyatibo ay bilang bahagi ng programang inilunsad nila na “Oplan Pag-abot”.
Sa nasabing programa ay kakausapin ng DSWD ang mga target beneficiaries para malaman ang mga tulong na kanilang ilalaan.