Sasailalim sa pitong araw na security assessment ng United States ang mga paliparan ng Pilipinas.
Sa airport security assessments ng United States Transport Security Administration (US-TSA) , oobserbahan ang seciruty procedure gayundin ang airlines na may flights patungo at mula sa US.
Layunin ng security assessments na mapalakas pa ang collaboration sa mga airport authorities at airlines.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni ransportation Secretary Jaime Bautista sa airport authorities na tiyakin ang ligtas at secured na mga paliparan kung saan dapat na pasok sa international standards ang mga pasilidad.
Huling nagsagawa ng security assessment ang US noong february 2020, kung saan nakita ng US-TSA ang significant improvemnet sa pagpapatupad ng security standards sa mga paliparan sa bansa.