Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na papayagan ang mga Palestinong asawa ng mga Pilipino sa Gaza na makatawid sa border patungong Egypt.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, inaantay pa ng ahensiya ang written approval mula sa Ministry of Foreign Affairs sa Israel.
Sinabi din ng opisyal na kabilang sa mga Pilipino na naiwan sa Gaza ay ikinokonsiderang mga Palestinian dahil sila ay dual citizens.
Nabigyan nga ang mga ito ng pahintulot para lisanin ang Gaza ng kada batch noong Biyernes.
Matatandaan na inisyal na nasa 115 Pinoy sa Gaza ang nagpahayag na nais niñang marepatriate subalit nabawasan ito sa 46 na lamang dahil ayaw nilang iwanan ang kanilang mga Palestinong asawa.
Subalit ayon kay De Vega, umaasa siang humiling din ng repatriation ang mga ito sa oras na makuha na ang approval.